DENR

Pagtutok sa responsible, innovative mineral devt tiniyak ng DENR

Cory Martinez Nov 22, 2025
244 Views

TITIYAKIN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tutupad sa pangakong bantayan ang responsible at innovative mineral development para sa transition sa low-carbon economy na ipinapatupad na sa buong mundo.

Ito ang tiniyak ni DENR Secretary Raphael Lotilla sa speech sa Philippines-Sweden Smart Mining Forum sa Baguio City kamakailan.

Ayon kay Lotilla, bilang isang resource-rich na bansa, ang Pilipinas ay may responsibilidad na mag-adapt sa naturang shift na tinitiyak na ang mga mineral resources ay responsableng nade-develop habang nakakaambag sa sustainable development.

Mahalaga ang global transition sa isang low-carbon economy at sa tumataas na demand para sa mineral sa renewable energy, battery technologies, at green infrastructure, ayon sa kalihim.

“We recognize that the future of mining must be innovation-led and sustainability-anchored.

We cannot speak of resource development without also speaking of climate change, equity, resilience and governance. Technology, when applied wisely, is key to achieving this balance,” dagdag pa nito.

Inilunsad din ang Philippine-Sweden Pilot Project sa pakikipagtulungan sa isang local mining company na layuning maisulong ang advanced at sustainable mining technologies.

Layunin din ng proyekto na maipakita kung paano mapapabuti ng teknolohiya, sustainability at global collaboration ang episyente, ligtas at environmental responsibility ng mga mining operation sa bansa.

Binanggit pa ni Lotilla na kanila ring tinitignan ang mga international model tulad Kiruna iron ore operation ng Sweden, na kinikilala bilang isa sa pinakamalaki sa mundo at may mas advanced underground mining sites.

Muling tiniyak ni Lotilla ang suporta ng administrasyon sa isang modernized at responsible mining sector.

Sa kabila ng mga reporma para sa responsible mining, inamin ni Lotilla na may mga hamon sa pagkalap ng mas malawak na suporta para sa kahalagahan ng responsible mining.

“Strengthening at the local government level the support for responsible mining and giving our people a chance at developing these resources in order to attain a better life for all,” diin ni Lotilla.

Pinuri ni Lotilla ang ilang mining company na nagsusulong sa “big brother-small brother cooperation” na nakakatulong sa mga maliliit na mining operation sa pagtupad at makamit ang mga environmental standard.