Witness Ang testigong si Orly Regala Guteza. File photo ni JOSEPH MUEGO

Pahayag ni Guteza maaaring madungisan kapag napatunayang nagsisinungaling siya

287 Views

THE issue now with (Orly) Guteza is whether he lied in his claim that he had the statement notarized. If he is found out to be lying, then the other statements he made may be suspected to be false,” sabi pa niya.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon chair Panfilo “Ping” Lacson.

Dagdag rin niya na ang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project ay dapat nakatuon sa sinumpaang salaysay ng testigong si Orly Guteza at sa nilalaman nito, at hindi sa mga teknikal na usapin.

Ipinaliwanag ni Lacson na ang isyung kaugnay ng notarization ng affidavit ay iiwan sa Office of the Executive Judge ng Manila Regional Trial Court. “If the Blue Ribbon Committee were to act on issues related to the notarization—such as subpoenaing the notarial register—malilihis kami ng malilihis,” wika niya.

Dagdag ni Lacson, kung mapapatunayang nagsinungaling si Guteza hinggil sa notarization, maaaring madungisan ang kredibilidad ng iba pa nitong pahayag.

Sa ngayon, walang plano ang Senado na ipatawag ang notary public na pinangalanan sa dokumento, si Atty. Petchie Rose Espera. Sa halip, posibleng hilingin ng komite ang kopya ng magiging ulat ng Manila RTC kapag natapos na ang pagsisiyasat nito.