Calendar
PAL, DOTr nag-uusapa para sa mas mababang Siargao airfare
NAKIKIPAG-usap ang Department of Transportation (DOTr) sa Philippine Airlines (PAL) para pababain pa ang airfare papuntang Siargao.
Ang pagpapa-baba ng pamasahe ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hikayatin ang mas maraming lokal at international tourists na pumunta sa naturang lugar.
Umaasa si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na maipapatupad na ang kasunduan sa PAL na pababain ang P17,500 para sa one-way fare papuntang Siargao ngayon at gawing P11,000 na lamang.
“Para po sa Siargao, meron na pong kasunduan with PAL na hopefully we can implement it in the coming days na mapababa from 17,500 to P11,000,” sabi ni Acting Secretary Lopez sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ukol sa budget ng DOTr.
Humingi ng karagdagang panahon si Lopez para makipagdayalogo sa PAL para mapababa pa lalo ang P11,000 na pamasahe nang mas maging abot-kaya ito sa mga turista at mga Pilipino na nais bumisita sa Siargao.
Pinag-aaralan naman ng DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang planong i-extend ang runway ng Siargao Airport upang makapag-accommodate ng mas malakaking eroplano.

