Hot News

Pamilya nalibing ng buhay sa Cebu landslide

109 Views

APAT na miyembro ng pamilya kabilang ang dalawang menor de edad ang natabunan sa landslide sa Cebu City.

Batay sa inisyal na ulat ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council o CCDRRMC, ang insidente ay naganap sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan sa Sitio Kandsrong Riverside, Barangay Pulangbato sa nasabing lungsod.

Ang mga biktima ay may edad na 60, 38, 6 at 5-anyos na nakatira sa iisang bahay.

Pahirapan ang ginagawang rescue operation sa lugar dahil sa malakas na ulan at hindi pagkakaroon parin ng mga bahagyang pagguho ng lupa.

Una nang na-recover mula sa gumuhong lupa ang mag-ina na agad na dinala sa pagamutan subalit nasawi ang bata.

Patuloy namang hinahanap ang dalawa pang biktima.