Lindol Larawan: PHIVOLCS/FB

Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol

109 Views

NIYANIG ng magnitude 3.8 na lindol ang karagatan sa timog-kanluran ng Calatagan, Batangas, nitong Biyernes, Oktubre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang tectonic earthquake alas-5:17:33 ng hapon, na may lalim na 89 kilometro. Natukoy ang epicenter 25 kilometro timog-kanluran ng Calatagan.

Naitala ang Intensity II sa Looc, Occidental Mindoro, habang Intensity I naman sa Lubang, Paluan at Abra de Ilog sa parehong lalawigan.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa naturang lindol.