Viado

Pangalan ni Viado ginagamit sa paghingi ng pekeng donasyon

Jun I Legaspi Jul 27, 2025
324 Views

NAGBABALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado sa publiko laban sa mga indibidwal na gumagamit ng kanyang pangalan upang humingi ng pera at gamitin ng personal.

Ang babala ay inilabas matapos makatanggap ng ulat tungkol sa isang scammer na nagpapanggap na konektado kay Viado at humihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyo.

Isang contractor sa Zamboanga ang nakatanggap ng paulit-ulit na mensahe mula sa isang tao na nagsasabing aprubado ni Viado ang solicitation.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ang mobile photone number 0997-108-8490 ginagamit din sa mga panloloko sa ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DICT, DBM, at DPWH.

“Ang numerong 0997-108-8490 ay walang kaugnayan sa Bureau of Immigration,” ani Viado.

Nakikipag-ugnayan na ang BI sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang scam.

Idinagdag ni Viado na ang lahat ng opisyal na komunikasyon mula sa BI ay dumadaan lamang sa lehitimong mga channel ng gobyerno at tauhan.