Rep. De Lima

Panukalang pagbubuwag sa 4Ps ipinagtanggol ni De Lima

Mar Rodriguez Aug 4, 2025
335 Views

IPINAGTANGGOL ni Mamamayang Liberal (ML) Party List Rep. Leila de Lima ang panukalang pagbubuwag sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa kabila ng napakaraming mahihirap na benepisyaryo ang nakikinabang dito.

Binigyang diin ni De Lima na hindi pantawid gutom o isang uri ng limos ang nasabing programa dahil may mga kondisyon ang 4Ps para sa mga benepisyaryo na ipinamamahagi ng gobyerno sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer (CCT).

Aminado ang dating Justice Secretary na may mga gaps sa implementasyon ng naturang programa at may mga nangyayari din pang-aabuso. Subalit naninindigan si De Lima na kaya kailangan na lalo pang mapagtibay ang pagpapatupad ng 4Ps.

Sinabi ni De Lima na ang dapat lamang gawin ay ang maisa-ayos ang 4Ps program at hindi naman kailangang buwagin dahil napakaraming mahihirap na pamilya ang nakikinabang sa programa para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Iginigiit ng kongresista na napakaraming mahihirap na pamilya ang umaasa sa 4Ps para sila ay mabuhay at maka-recover mula sa karukhaan. Kung kaya’t kung bubuwagin ang programang ito, marami din aniya sa kanila ang labis na maaapektuhan.

“Yes there are gaps in implementation. Yes, some abuses have been reported but there’s precisely why we must strengthen not scrap. The answer is better targeting, better monitoring and better support systems not abandoning millions of families who have long relied on on this program to survive, recover and rebuild,” ani De Lima.

To God be the Glory