Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Col. Rommel Anicete ang mga suspek na natimbog sa buy-bust sa Port Area at Baseco compound, Port Area, Manila. JONJON C. REYES
Metro
Parak hinuli 6 na tulak sa Manila
Edd Reyes
May 5, 2026
128
Views
SWAK sa selda ang anim na suspek na tulak sa Baseco compound, Port Area, Manila.
Kinilala ang mga unang nahuli na sina alyas Tom, 29; Bert, 45; at Dam, 49.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-11:35 ng gabi nahuli ang tatlo.
Pinangunahan ang operasyon ni P/Lt. Mark Jason Ramos na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek gayundin ang pagkumpiska ng P40,800 na halaga ng shabu.
Timbog din sina alyas Joel, 51; Raffy, 63; at Cecille, 38, ng Block 15, Baseco compound, Port Area, Manila.
Nakumpiska sa tatlo ang 5 sachet ng shabu na nasa halagang P13,600.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
SAG-MPD Station 9 members nag-oath taking
May 30, 2026
Lalaki laglag sa tangkang pamamaril
May 30, 2026
QCPD pinaghahanap nanakit ng 73-anyos na TNVS driver
May 29, 2026
Nanghalay huli sa Valenzuela
May 29, 2026
