Calendar
Dahil sa estafa, babae inaresto ng CIDG
ARESTADO ang 36-anyos na babae noong Mayo 1 dahil sa kasong estafa matapos mag-issue ng mga tumalbog na tseke bilang bayad sa tig-P150,000 na bag sa isang kaibigan sa Pasig City.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)National Capital Region Field Unit, inaresto si alyas Aira, 36, sa Greenland Village sa Brgy. Rosario, Pasig sa bisa ng warrant of arrest galing sa Pasig City Regional Trial Court para sa kasong estafa.
Base sa investigation, noong January 2025 bumili ang biktima ng luxury bags at iba pang items galing sa Japan at nag-isyu ng 2 checks, dated March 31, 2025 at April 3, 2025, na nagkakahalaga ng P75,000 bawat isa.
Pero ng idineposito ng may-ari, hindi tinanggap ang 2 cheke dahil sa kasong “Drawn Against Insufficient Funds (DAIF).”
Hindi rin pinansin ng suspek ang mga demands ng biktima na dapat siyang magbayad.
“At the time of issuance, the accused knew that her account lacked sufficient funds or credit to cover the checks upon presentation,” sabi ng CIDG.

