Calendar
Nagbigay ng pahayag si MPD Director PBGen. Arnold Abad kaugnay sa naging karahasan ng mga kabataan ng nag protesat at mga napinsala na mga ari-arian ng Manila. JONJON C. REYES
Patuloy na kaligtasan ng publiko tiniyak ng MPD


NAGHATID ng pahayag si MPD Chief PBGen.Arnold Abad sa mga mamamahayag kauganay sa mga karahasan sa isinagawang kilos protesta ng mga kabataan at pagpinsala sa mga ari-arian sa gobyerno ng Lungsod ng Maynila noong Setyembre 21, 2025,
Samantala, matagumpay na nahuli ng mga kapulisan ng Manila Police District, sa pamumuno ni Abad, Acting District Director, ang may 244 na indibidwal na binubuo ng 159 na nasa hustong gulang at 85 na menor de edad na sangkot sa isang agresibo at labag sa batas na pagkilos sa panahon ng protesta na ginanap sa Luneta Park, Ayala Bridge, at Chino Roces Bridge sa Mendiola Recto Avenue,kasabay ng paggunita ng ika 53 anibersaryo ng Martial Law sa Maynila.
Nasa 137 indibidwal naman ang sumailalim sa inquest proceedings noong Setyembre 23, 2025, habang ang ilang menor de edad ay itinurn-over na sa kustodiya ng Manila Social Welfare Department (MSWD) sa parehong petsa para sa nararapat na interbensyon. Magpapatuloy ang inquest proceeding ngayong araw, Setyembre 24, 2025.
Sa kabila ng mga agresibo at labag sa batas na pagkilos, pinanatili ng mga kapulisan ang maximum tolerance, itinaguyod ang mga karapatang pantao, at ipinakita ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo sa kabila ng mga pagalit na aksyon ng mga nagpoprotesta.
Sinabi ni Abad na ang distrito ay nananatiling nakatuon sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng publiko, pagtataguyod ng tuntunin ng batas, at pagsuporta sa mapayapang pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon.

