PBBM

PBBM bumuo ng inter-agency task force para tugunan epekto ng Bataan oil spill

Chona Yu Jul 28, 2024
51 Views

BUMUO na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng isang inter-agency task force para mapabiis na tugunan ang posibleng epekto ng oil spill mula sa Motor Tanker Terra Nova na lumubog sa baybayain ng Limay, Bataan sa kasagsagan ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang Office of the Civil Defense (OCD) ang mamumuno sa task force katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of Interior and Local Government (DILG).

Kasama rin sa task force ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inatasan naman ng Pangulo ang DENR, na makipag-tulungan sa DOH para magsagawa ng kailangang pagsususri sa kalidad ng tubig at hangin sa apektadong lugar.

Bukod dito, dapat rin aniya na masuri ng DOH ang kalusugan ng mga residente doon na apektado ng oil spill.

Inatasan din ang DOLE na magpatupad ng mga programang pangkabuhaya para sa naapektuhang residente gayundin ang DSWD para magbigtay ng tulong sa mga biktima.

Sinabi ng Pangulo na kinakailangan ding makipagtulungan sa mga non-government organizations upang matugunan ang problema at sa local government units.