BBM1

PBBM: Paglilingkod sa likod ng mga hamon diwa ng kabayanihan

301 Views

PINARANGALAN ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes ang mga unsung heroes o mga Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa bansa sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day.

“Ngayong Araw ng mga Bayani, binibigyang-pugay natin ang mga Pilipinong hindi naisulat ang pangalan sa mga pahina ng kasaysayan ngunit naging mitsa at apoy na bumuhay sa ating kasarinlan,” sabi ni President Marcos sa kanyang speech sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

“Kinikilala rin natin ang mga Pilipinong tapat na naglilingkod, nagmamalasakit, at nagmamahal sa bansa.

Sila ang nagsisilbing paalala sa ating lahat na ang kabayanihan ay nananalaytay pa rin sa ugat ng bawat isa sa atin,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, likas sa mga Pilipino ang pagiging tapat at handang tumulong sa kapwa.

Nakikita ang katangiang ito sa mga magsasaka, mangingisda, healthcare workers, obrero at mga tindero’t tindera.

“Ang kanilang araw-araw na paglilingkod sa kabila ng mga hamon ay patunay na buhay pa rin ang diwa ng kabayanihan,” ayon sa Pangulo.

Matapos ang kanyang speech, nanguna si President Marcos sa wreath-laying sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani.