BBM

PBBM tinanggap resignation ni Bonoan, Vincon bagong DPWH Secretary

394 Views

BonoanPicTINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na magiging epektibo sa Setyembre 1, 2025.

Ikinagulat naman ito ng publiko matapos ang naunang pahayag ni Bonoan na hindi siya magre-resign. “Leaving or avoiding responsibility is not the right way to find a solution. I will accept accountability. But remember that I will never condone or allow any form of corruption.”

Itinalaga naman si DOTr Sec. Vince Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH, ayon kay PCO Sec. Dave Gomez.

Ayon sa pahayag, inatasan si Dizon na magsagawa ng full organizational sweep sa ahensya at tiyaking ang pondo ng bayan ay mapupunta lamang sa mga imprastrakturang tunay na nakikinabang at nagpoprotekta sa publiko.

Habang lumilipat si Dizon, si DOTr Usec. Giovanni Lopez muna ang uupong acting secretary ng transport department.

Kasabay nito, bumuo rin si Marcos Jr. ng isang Independent Commission to Investigate Flood Control Anomalies na magsasagawa ng masusing pagsusuri sa mga proyekto, tutukoy ng iregularidad, at magrerekomenda ng kaukulang pananagutan upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa paggasta sa imprastruktura.

Dagdag pa ng Palasyo, ang mga desisyong ito ay malinaw na hakbang ng administrasyon para linisin ang katiwalian, patatagin ang mga institusyon, at maghatid ng tapat at epektibong serbisyo publiko sa ilalim ng Bagong Pilipinas.