ofw

PCGSF at NaFFAA Utah sa serbisyong Konsular sa Utah

32 Views

OFW1SOUTH JORDAN, UTAH–Bitbit ang iba’t ibang serbisyong konsular, dinagsa ng mga Pinoy ang dalawang araw na outreach mission na isinagawa ng Philippine Consulate General sa San Francisco (PCGSF) nitong Oktubre 3 at 4, 2026.

Sa pangunguna ni Consul General Marc Theodore P. Benigno, naging madali para sa mga kababayan nating nagtatrabaho at naninirahan sa Utah at mga kalapit-lugar ang mag-ayos ng mga dokumento nang hindi na kailangang bumiyahe nang malayo.

Kabilang sa mga inihain at tinutukan ng konsulado ang Dual Citizenship Registry, Passport Services, at Civil Registry Services para sa pagrerehistro ng kapanganakan, kasal, at pagkamatay.

Lubos ding pinuri ang pagtutulungan ng PCGSF at ng NaFFAA Utah ngayong taon, kabilang na ang boluntaryong paglilingkod ni Chamber President Jive Bullock na personal na tumulong sa mga serbisyo ng Civil Registry.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang komunidad sa PCGSF, NaFFAA Utah, at sa lahat ng mga boluntaryong naglaan ng kanilang oras ngayong weekend para maglingkod sa mga Pilipino.