Kurash Matagumpay ang PH Kurash team sa Taiwan.

PH Kurash team nagtala ng 3-3-1 medal haul sa Taiwan

221 Views

NAGTAPOS ang three-international tournament swing ng Philippine Kurash team sa pamamagitan ng 3 gold, 3 silver at 1 bronze medal haul sa kakatapos lang na East and Southeast Kurash Championships na ginanap sa New Taipei City, Taiwan.

Napasakamay ng mga Pilipino ang tatlong golds mula kay Jackielou Escarpe, Renzo Cazenas at George Baclagan, tatlong silvers mula kay Helen Aclopen, Myrina Ladjahasan at Margaret Fajardo at isang bronze mula kay Nick Gabriel Ligero, habang nakapagtala rin ng impressive results sina Ryan Benavidez, Ryan Donor at Jessa Jamaquio.

Ibinahagi ng ilan sa mga miyembro ng koponan ang kanilang natutunan sa paglahok sa tatlong sunod na kumpetisyon overseas, kabilang ang Indoor and Beach KUSEA Championship sa Lombok, Indonesia at 14th Asian Kurash Championship sa Goesan, South Korea.

“Hakot talaga. We fought very well against different countries for that competition alone. Malaking bagay yung mga coaches na sumusuporta sa team. Kung wala sila, hindi namin makakamit yung mga nakamit ngayon. Malaking bagay ang pagsali ng competitions gaya sa Korea, Indonesia at Taiwan to face the biggest competitors in Kurash,” pahayag ni Baclagan na bahagi rin ng judo team ng De La Salle University.

Ibinahagi rin nila na malaki ang pinagbago lalo na sa techiques at executions sa mga competitions na kanilang sinalihan.

“Malaki ang improvement namin in these past three competitions, given the opportunity na everyone got to play. Malaking bagay sa amin ang exposure na di lang puro local ang sinasalihan, we also seeing the competition at level of athleticism that other countries have, and also for the athletes’ experiences pagdating sa competition. Malaking blessing ito for us to compete for the country and for the support of the PSC,” dagdag pa niya.

Para naman kay Margaret Fajardo na silver medalist, malaking tulong ang nasabing competition upang ma-maximize ang anyang growth bilang isang combat sports athlete.

“Dun sa laban ko sa Taipei, okay naman ang performance ko sa mga unang laro. Nabitin lang ako pagdating sa final match kasi kinapos sa oras pero nakitaan ako ng improvement dahil sa sunod-sunod na exposures na nag-add ako sa laro ko,” pagdidiin ni Fajardo.

Susunod na paghahandaan nila dalawa ang Philippine National Kurash Championship na magaganap bago matapos ang taon.

“Mas itatama ko ang mistakes kaya lagi ako kinakalpos dahil may kulang sa last moments ng laban. Pagaaralan ko po ang laro these past tournaments at i-aadjust ko ang kulang para sa susunod na tournament, ibigay ko ang full potential at spot na deserve ko talaga,” sambit pa niya. By Gab Ferreras