BBM1

PhilHealth makakatanggap ng P60B mula sa DPWH flood control budget

449 Views

ANG Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay makakatanggap ng P60 bilyon kasunod ng pagkansela ng P255 bilyon na halaga ng mga flood control projects na pinondohan ng lokal na gobyerno sa ilalim ng panukalang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P60 bilyong alokasyon sa PhilHealth noong Sabado sa kanyang pagbisita sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (DJFMH) sa Manila, kung saan tinignan ng Pangulo ang pagpapatupad ng zero billing policy program.

Ayon kay Pangulong Marcos, iniutos niya ang muling pag-aallocate ng P60 bilyon upang lalo pang mapabuti ang mga benepisyo ng mga miyembro ng PhilHealth.

“Masaya akong ianunsyo na dahil sa ating mga ginagawa… na galing sa iba’t ibang departamento, pero pangunahing mula sa Department of Public Works and Highways, ‘yung 60 bilyon na ‘yan, ibabalik na natin sa PhilHealth,” anunsyo ng Pangulo sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Binigyang-diin ng Pangulo na inilipat ng Department of Finance (DOF) ang P60 bilyong pondo para sa PhilHealth sa national treasury dahil hindi ito nagagamit para sa mga benepisyo ng mga miyembro.

Itinuro ng Pangulo na sa kabila ng pagtaas ng mga benepisyo ng PhilHealth, hindi naapektuhan ang mga serbisyo ng ahensya mula sa paglipat ng pondo sa national treasury.

“Kahit anong paliwanag na ibigay namin, kahit na anong ipakita natin na dumadami ang serbisyo na kino-cover ng PhilHealth, may pangamba pa rin ‘yung tao na baka mabawasan ‘yung mga services,” sabi ng Pangulo.

“Dinagdagan na natin, pero siyempre hindi mo maiwasan. You cannot blame them na may pangamba sila na baka sa pagkuha ng P60 bilyon na dinala nga sa national government ay baka mabawasan ang services, kahit na napatunayan na namin na hindi mababawasan ang services,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Bilang bahagi ng direktiba ng Pangulo na sugpuin ang kurapsyon, nirebisa ng DPWH ang kanilang panukalang badyet sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program mula sa P881.312 bilyon pababa sa P624.784 bilyon, sa pamamagitan ng pagtanggal ng alokasyon para sa lahat ng flood control projects na pinondohan ng lokal na gobyerno na nagkakahalaga ng P255 bilyon.

Naunang sinabi ni Pangulong Marcos na ang kinanselang badyet ng DPWH para sa flood control projects ay ilalaan sa iba pang proyekto ng gobyerno tulad ng edukasyon, agrikultura, kalusugan, pabahay, imprastruktura, ICT, paggawa, serbisyong panlipunan, at enerhiya. PCO