Calendar
Pinoys sa Mississippi, Louisiana dinalaw ng MWO-OWWA


NILIBOT ng mga opisyal ng Migrant Workers Office-Overseas Workers Welfare Administration (MWO-OWWA)-Washington, D.C. ang mga Pilipino sa Mississippi at Louisiana upang alamin ang kanilang kalagayan.
Pinuntahan ng grupo ang nakakulong na seafarer sa Mississippi para kumustahin at tiyaking maayos ang trato sa kanya habang naghihintay ng paglaya sa 2027.
Napaiyak ang seafarer nang ihatid ng grupo ang mga mensahe mula sa kanyang pamilya sa Pilipinas at nagpapasalamat sa tulong na ibinibigay ng gobyerno sa kanila.
Kasama si Philippine Honorary Consul Roberto Romero sa mga oil and gas drilling platform sa Louisiana at personal nilang nakausap ang 62 Pinoy na nagtatrabaho sa Grand Isle Shipyard (GIS) sa Galliano at Sontheimer Offshore Catering Co. (SONOCO) sa Houma.
Pinaalalahanan ng grupo na sundin ang batas ng Amerika at laging makipag-ugnayan sa embahada.
“Ang pakikipag-ugnayan namin sa mga manggagawa at employer ay para matiyak na nasusunod ang mga karapatan sa paggawa at ligtas sila rito,” ayon kay Labor Attache Saul De Vries.
