Calendar
PNP-HPG naharang P122M smuggled na yosi
AABOT sa P122 million na halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng agents Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa San Simon, Pampanga noong Dec. 25.
Ilang bahagi ng mga nsasabat na yosi nakuha sa Isuzu truck na na-flag down ng mga members ng Regional Highway Patrol Unit 3 at HPG Special Operations Division-Task Force Limas sa Quezon Road sa San Simon, Pampanga, sabi ni PNP-HPG director Brigadier General Hansel Marantan.
Noong una’y nasita lang ang truck driver dahil walang seatbelt, pagkakaroon ng unauthorized na plaka at defective tail light.
Kusang binuksan ng driver ang backdoor ng truck at nakita ng mga pulis ang mga contraband na mga sigarilyo na nakatago sa mga paleta.
Arestado ang driver at helper ng truck, ayon sa report.
Ayon kay Colonel Joel Mendoza, 30 boxes ng smuggled Modern cigarettes ang natagpuang nakatago sa truck.
Sa sumunod na araw, 1,500 boxes ng smuggled Modern, JN, Carnival at Journey cigarettes ang natagpuan sa warehouse sa Global Aseana Business Park sa Brgy. San Pablo Libutad, San Simon, Pampanga.
Kasama ang mga representatives mula sa Japan Tobacco Industry sa mga nakatuklas na may smuggled na yosi na umaabot sa P120 milyon sa naturang warehouse.
Iyon ang 2nd major anti-tobacco smuggling accomplishment ng PNP-HPG sa buwang ito kasunod ng pagkakakumpiska ng 2,000 boxes ng smuggled cigarettes na umaabot sa P163 million sa Quezon City noong Miyerkules.
Pinuri nina PNP chie Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez at Department of the Interior and Local Government Secretary Juanito Victor Remulla Jr. ang PNP-HPG sa latest accomplishment nito.

