PNPA

PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009, Inc. ipamalas tunay na diwa ng serbisyo

Jon-jon Reyes Nov 26, 2025
237 Views

SA paggunita ng kanilang ika-20 taong anibersaryo at year-end gathering, pinili ng PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009, Inc. na ipamalas ang tunay na diwa ng serbisyo. Sa halip na magdaos ng malaking selebrasyon, inialay nila ang araw sa pagbibigay ng saya at pag-asa sa mga batang may cancer at kanilang pamilya sa Everlasting Hope Childhood Cancer Mission sa Guadalupe, Cebu City noong Nobyembre 20, 2025.

Marami sa mga miyembro ng Class of 2009 ang nagsabi na ang ganitong uri ng proyekto ang tunay na kahulugan ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Sa kanilang pagbisita, hindi lamang sila nagbigay ng suporta—nag-iwan sila ng inspirasyon at patunay na ang serbisyo ay hindi nasusukat sa ranggo o posisyon, kundi sa kabutihang naipapamalas sa kapwa.

Habang pumapasok ang PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009 sa panibagong dekada ng paglilingkod, malinaw ang kanilang mensahe: ang tunay na serbisyo ay nagpapatuloy saan man sila dalhin ng tungkulin.