Calendar
Programa para sa ’27 inilatag ng Bataan gov
BATAAN–Inilahad noong Lunes ni Gov. Joet Garcia ang mga programa at proyekto para sa 2027 sa ginanap na consultative meeting ng pamahalaang panlalawigan.
Ipinaliwanag ni Gov. Garcia na ang nasabing pagpupulong para tukuyin at “talakayin ang mga programa at proyektong kinakailangan sa iba’t-ibang sektor ay upang magkaroon ng pagkakataon ang mga yunit ng pamahalaang lokal at pamahalaang panlalawigan.
“Mahalaga ang naging talakayan sapagkat pinagtibay nito ang mas malalim na koordinasyon at pagtutulungan ng ating lalawigan at ng mga ahensya ng pamahalaan,” sabi ng gobernador.
Pinasalamatan ni Gov. Garcia ang lahat ng kapwa niya lingkod-bayan “na nagbahagi ng mga mungkahi at pananaw para sa katuparan ng nagkakaisa nating layunin na mas patatagin pa ang pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeño.”
Dumalo ang mga mayors, assistant secretaries, regional at provincial directors ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaang nasyonal sa 2 araw na consultative meeting sa Clark, Pampanga.

