Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Surrender

Rebelde pagod na lumaban, sumuko

206 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR–Sumuko noong Oktubre 17 ang isang miyembro ng rebeldeng grupo sa 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company (BPMFC) at Nasugbu police sa Camp Colonel Jose Razon sa Sitio Palico, Brgy. Bilaran, Nasugbu, Batangas.

Sumuko si alyas Lito, miyembro ng Haligi ng Batangueñong Anak Dagat (HABAGAT), at isinurender ang kanyang cal .38 revolver.

Iniwan niya ang armadong pakikibaka, bumalik sa batas at nagpapahayag ng suporta para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang NTF-ELCAC nag-aalok ng mga benepisyo sa muling pagsasama sa mga dating rebelde na naligaw ng landas dahil sa maling salaysay ng Communist Terror Group (CTG).

Ang sumuko ay nakatanggap ng tulong pinansyal at suplay ng pagkain mula sa 2nd BPMFC at kasalukuyang nasa pangangalaga ng police unit.