Frasco

Rep. Frasco pinangunahan inauguration ng Alagang Tingog Centers sa Compostela, Carmen

Mar Rodriguez Oct 11, 2023
158 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4Frasco5PINANGUNAHAN nina House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco at TINGOG Party List Cong. Yedda Marie K. Romualdez ang inauguration ng “Alagang Tingog Centers” sa Munisipalidad ng Compostela at Carmen na magbibigay ng malaking tulong para sa mga Cebuano.

Ikinagalak ni Frasco ang pagkakaroon ng “Alagang Tingog Centers” sa dalawang Munisipalidad sapagkat napakalaki umano ang maitutulong nito para sa kaniyang mga kababayan partikular na sa pagpapa-angat ng kanilang kabuhayan at iba pang suporta na maibibigay ng TINGOG Party List Group.

Nabatid kay Frasco na matapos ganapin ang inauguration. Namahagi sila ng Cash Assistance to mahigit dalawang libong (2,000) beneficiaries. Kung saan, ang bawat benepisyaryo o indigent na mamamayan ay nakatanggap ng P5,000 cash assistance kabilang na ang pamamahagi ng limang kilong bigas.

Sinabi ng House Deputy Speaker na napakalaking tulong ang pagsasanib puwersa nila ng TINGOG Party List Group dahil nangangahulugan aniya ito na napakaraming mamamayan ng Cebu ang kanilang matutulungan sa pamamagitan ng cash assistance at iba pang tulong o ayuda.

Bukod dito, idinagdag pa ni Frasco na pagkatapos ng inauguration sa Munisipalidad ng Compostela at Carmen. Nagtungo ang kanilang grupo sa Barangay Luyang para naman sa inauguration din ng isa pang “Alagang Tingog Center” kasabay ng pamamahagi din nila ng P5,000 cash assistance at 5 kilo ng bigas.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Frasco si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, Congresswoman Yedda Marie K. Romualdez at Congressman Jude Acidre patungkol sa nabuong partnership sa pagitan ng TINGOG Party List Group at kaniyang distrito sa pamamagitan ng pamamahagi ng cash assistance at pagsusulong ng iba panbg mga program ana malaki ang naitulong sa mga Cebuano.