Calendar
Kinilala ni Police Lt.Col.Col.Bryan B Sagayadoro ang inarestong retiradonng military doctor.
JONJON C. REYES
Retired military doctor timbog sa baril na walang papeles
INARESTO ng mga operatiba ng MPD Calabash PCP Station.4 ang isang 65-anyos na lolo matapos mabigong maipakita ang kaukulang papeles sa dalang baril sa mga rumespondeng pulis sa Blumentritt Street, Barangay 529, Zone 52, Sampaloc, Manila, sa tabi ng Columbres Food Hauz, Biyernes ng tanghali.
Kinilala ang suspek na si alyas Lolo Alison, retiradong doktor ng militar, at naninirahan sa Blumentritt Street.
Ayon sa report na nakarating kay Police Lieutenant Col.Bryan B Sagayadoro, hepe ng MPD Sampaloc Police Station 4, bandang 10:25 ng tanghali nang arestuhin ang suspek nina Pat. Shawn Michael G. Cuartel at Pat Wilfredo D Socrates Jr., ng MPD Calabash PCP-Sampaloc.
Batay sa salaysay sa naunang report, isang nagmamalasakit na mamamayan ang personal na nag-ulat sa Calabash PCP tungkol sa umano’y insidente ng pagpapaputok ng baril sa tapat ng bahay ng suspek.
Agad na tumugon sa lugar sina ang pulisya at napag-alamang nasa loob ng kanyang bahay ang suspek.
Humingi ng tulong ang mga kapulisan sa mga opisyal ng Barangay 529, Zone 52, at sama-sama nilang nilapitan ang suspek.
Matapos ang mahaba at mapayapang pakikipag-usap, kusang-loob na sumuko ang suspek at ibinigay ang kanyang baril kay Pat. Shawn Michael G. Cuartel. Ngunit nabigo ang suspek na magpakita ng mga kaukulang dokumento para sa nasabing baril kung kaya’t siya ay inaresto.
Narekober ang ang M1A1 Carbine na may sling, caliber .30, semi-automatic carbine, na may nakaukit na marka sa barrel nito na “U.S. CARBINE CAL .30 M1 INLAND DIV. 6369313” na kinalaunan ay minarkahan ng “SMC 10-9-26” sa barrel, frame, at buttstock nito.
Ayon kay Police major Phillip Ines, tagapagsalita ng MPD PIO, ang baril na nakumpiska sa suspek ay ituturing na high-powered fiirearm.
“The Carbine .30 rifle, particularly the M1 Carbine, is generally considered a high-powered firearm in some law-enforcement classifications, but the term high-powered depends on the classification system being used,” ani Ines.
Ipinaliwanag sa suspek ang dahilan ng kanyang pagka-aresto pati na ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang Tagalog, na kanyang nauunawaan.
Pinili ng suspek na manahimik at dinala siya sa Ospital ng Sampaloc para sa paunang pagsusuring mediko-legal. pagkatapos ay dinala sa Sampaloc Police Station para sa karampatang disposisyon.
Inihahanda na ang reklamo laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act No. 10591 sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor ng Maynila. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng pulisya.
Samantala, ang nakumpiskang baril ay ipapadala sa PNP Crime Laboratory para sa ballistic cross-matching examination at beripikasyon.

