Calendar
Rice import allocation? Wala tayo n’yan–DA
BINALAAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga importer na mag-ingat sa mga mapagsamantalang grupo na nag-aalok ng mga pekeng rice import allocation kapalit ng pera.
Ipinaabot ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang babala matapos makatanggap ng ulat na may mga indibidwal na nag-aalok ng umano’y alokasyon upang makapag-angkat ang mga rice importer ngayong Disyembre.
“This is fake news. This is a scam,” ani Tiu Laurel
“We are on to you,” babala pa ni Tiu Laurel.
Binigyang-diin pa nh kalihim na nananatiling ipinapatupad ang rice-import moratorium hanggang Disyembre 31 kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na patatagin ang presyo ng palay at protektahan ang mga magsasaka ng palay.
Unang ipinatupad noong Setyembre ang unang dalawang buwang moratorium upang mapataas ang presyo ng palay sa mga probinsiya sa P13–P14 kada kilo mula sa P8 bago ang ban.
Subalit nang nasa peak na ang harvest season at malapit na magtapos ang moratorium, bumaba na naman ang mga farmgate prices kayat minarapat ng pamahalaan na palawigin ang ban hanggang katapusan ng taon.
Sa kabila nito, nagsimula nang pinapakalat ang mga solicitatoon form sa mga rice miller, importer at traders sa Cebu.
Halimbawa ng laman ng naturang form na may istilo ng official-sounding language tulad ng “asks the Secretary to acknowledge a list of “participating miller-importers” with supposed import volumes from previous years, and implies that signatories would be included in a “food security program in 2026.”

