Rider Sinisiyasat ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima. JONJON C. REYES

Rider na estudyante sumalpok sa center island sa Taft Avenue, dead on the spot

Jon-jon Reyes Oct 30, 2025
248 Views

DEAD on the spot ang isang lalaking estudyante matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng Taft Avenue corner Vito Cruz sa Malate, Manila, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si alyas Carlo, 21, at residente sa Purok 11 PNR Site, FTI Compound sa Taguig City,.

Ayon sa imbestigador na si PMSg.Timothy John D. Cruz bandang 11:33 ng gabi nang mangyari ang aksidente. Lulan ng kanyang motorsiklo, binabaybay ng biktima ang kahabaan ng southbound lane ng Taft Avenue at pagdating sa kanto ng Vito Cruz ay bumangga ito sa konkretong poste ng LRT.

Dahil sa lakas ng impact nito tumilapon ang biktima ng ilang metro at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo.

Agad rumesponde ang MDRRMO sa pangunguna ni Elijah Rex Legaspi, sa pinangyarihan ng aksidente at nagsagawa ng medical assessment sa biktima subalit idineklara ito na wala ng pulso at walang palatandaan ng buhay.

Ang mga labi ng biktima ay dinala na at inilagak sa Funeraria Cruz.