Rider

Rider nawalan ng kontrol sa motor, nahagip ng tanker, dedo

123 Views

Rider1

LEMERY, Batangas — Patay noong Biyernes ang rider na nawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo kaya nasagasaan ng fuel tanker sa Brgy. Mataas na Bayan ng bayan na ito, ayon sa report.

Kinilala ang nasawi na si alyas Mike.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas-12:45 ng tanghali habang tinatahak ng biktima ang Calaca City patungo ng Lemery sakay ng Kawasaki Barako (345DSA).

Pagdating sa lugar ng insidente, sinubukan umano ng biktima na iwasan ang sasakyang nasa kanyang harapan ngunit nawalan ng kontrol at nadulas sa kalsada at nasagasaan ng kaliwang likurang gulong ng truck tractor head (DBA6307) na minamaneho ni Alyas Reynante, 44.

Nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo ang biktima dahilan upang ideklarang patay kaagad ng mga tumugong awtoridad.

Inihahanda na ang kaukulang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa drayber ng tanker.