Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Rider todas sa karambola sa Angono
Jojo Cesar Magsombol
Feb 13, 2025
432
Views
DEDO ang isang motorcycle rider at dalawa pa ang malubhang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Don Mariano Santos Ave., Brgy. San Isidro, Angono, Rizal nong Miyerkules.
Sa imbestigasyon, nagkabanggaan ang Mitsubishi Fuso (RBZ189) na minamaneho ng isang alyas Randy, 48, black Honda Beat (587NQF) na minamaneho ni Eduardo Manalac, 61, at grey Honda Beat (121NOY) na minamaneho ni Michael Matamis y Barbacena, 29.
Sa lakas ng impact, nagtamo si Manalac ng malubhang pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na sanhi ng kanyang kamatayan.
Naaresto ang drayber ng truck.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

