Dolor

Riders naghahanda para sa Kapayapaan Ride

Helen D. Prado Mar 16, 2026
222 Views

PINANGUNAHAN noong Lunes ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor ang meeting kasama ang mga club presidents ng iba’t’ ibang motorcycle groups sa Oriental Mindoro katuwang ang Oriental Mindoro Riders Federation (OMRF) na pinamumunuan ni Michael William Uy.

Layunin ng pulong na paghandaan ang nalalapit na “Kapayapaan Ride” sa Mayo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Riders Day 2026 sa lalawigan.

Tinalakay sa meeting ang mga plano upang matiyak ang maayos at ligtas na aktibidad para sa riding community.

Bukas ang registration mula Marso 14 hanggang Abril 5, 2026, at hinihikayat ang mga riders na makipag-ugnayan sa kani-kanilang club president para sa pagpaparehistro.

Layunin ng aktibidad na ipakita ang pagkakaisa ng riders sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan.