Calendar
Risa sa mga Discaya: Ebidensya muna kundi salaysay walang kwenta
KATIBAYAN muna bago paniwalaan.
Ito ang iginiit n Senadora Risa Hontiveros kung saan ay sinabi niya na mananatiling walang bigat ang mga sinumpaang salaysay ng mga kontraktor ng DPWH na sina Pacifico “Curlee” Discaya and Cezarah “Sarah” Discayais kung hindi ito susuportahan ng matibay na ebidensya.
Ani Hontiveros, “practically nothing” ang mga affidavit kung wala itong corroboration o kasamang patunay.
Dagdag pa rito, binigyang-diin niya na bagama’t ang mga nasabing salaysay ay maaaring ituring na “potentially important first step,” kinakailangan pa ring ipakita ng mga Discaya ang kongkretong ebidensya o mga testigong makapagpapatibay sa kanilang pahayag, lalo na sa mga insidenteng naganap bago pa ang 2022.
“They have to show the goods,” ayon kay Hontiveros, na nagpaliwanag ring ito ay alinsunod sa panuntunan ng Department of Justice (DOJ) na dapat munang maibalik ang anumang perang sangkot bago payagang maging state witness.
Sa kabilang banda, isinaad ni Hontiveros na ang mga state witness ay “usually… the least guilty,” at nasa DOJ ang kapangyarihang magpasya kung sino ang maituturing na kwalipikado.
Samantala, tiniyak niya sa publiko na patuloy na sisiyasatin ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagiging totoo o kasinungalingan ng mga alegasyon kasabay ng pagpapanatili ng due process.

