Martin2 Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Kuha ni VER NOVENO

Romualdez nagbitiw bilang Speaker upang protektahan tiwala ng publiko, hayaan independent imbestigasyon

332 Views

INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang pagbaba bilang lider ng Kamara upang pangalagaan ang tiwala ng publiko at bigyang-daan ang malayang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.

Binalikan ni Romualdez ang mga nagawa sa ilalim ng kanyang pamumuno upang matulungan ang mga karaniwang Pilipino.

“Mga minamahal kong kababayan, with humility and gratitude, I address you today (Miyerkules). Together with my colleagues, we worked hard to pass reforms that put food on the table, created jobs, expanded education, and strengthened healthcare. These are milestones that will stand beyond my time as Speaker, and I will always be proud of what we have achieved as your people’s House,” aniya.

Pagkatapos nito, ginawa niya ang anunsyo na nagmarka ng makasaysayang pagbabago sa pamunuan ng Kamara.

“But leadership also demands difficult choices. Today, I have decided to step down as Speaker of the House of Representatives,” deklarasyon ni Romualdez.

Mariing ipinagtanggol ng bumababang Speaker ang kanyang integridad at binigyang-diin na ang kanyang desisyon ay hindi dapat ituring na pag-amin sa anumang pagkakamali.

“Let me be clear: wala akong kasalanan at wala akong itinatago. Ang tanging layunin ko ay maglingkod at magpabuti ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Yet I also know that when questions arise, it is the people’s trust that must always come first,” aniya.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang pagtiyak na magiging malaya ang imbestigasyon ay higit na mahalaga kaysa pananatili sa mataas na posisyon.

“Masakit man sa akin, I am stepping aside so that the independent investigation may proceed freely―without pressure, without influence, and without fear. This is not surrender, but conscience.

Ginawa ko ito dahil naniniwala ako na ang tunay na paglilingkod ay ang pagpapahalaga sa tiwala ng taumbayan higit sa anumang posisyon,” paliwanag niya.

Idinagdag pa niya na umaasa siyang ang kanyang ginawa ay makatutulong na palakasin ang tiwala sa mga demokratikong institusyon.

“If my decision can help restore faith in our institutions, then I offer myself willingly as an example of accountability,” aniya.

Ipinunto rin ni Romualdez na ang pagbaba bilang Speaker ay hindi nangangahulugang iiwanan na niya ang serbisyo publiko.

“This is not farewell, but a reaffirmation of service. I will continue to serve as Representative of Leyte, and as a servant of the Filipino people,” pahayag niya.

Muli rin niyang tiniyak ang kanyang tiwala sa due process at sa demokratikong sistema ng bansa.

“My faith in due process, in our democracy, and in you―our people―remains unshaken,” aniya.

Ginawa ni Romualdez ang desisyon sa gitna ng tumitinding pagsisiyasat sa ilang proyekto ng gobyerno nitong mga nakaraang linggo, kasabay ng mga panawagan para sa ganap na transparency.

Sa kanyang pagbaba, ipinakita ni Romualdez ang hangaring masiguro na maisasagawa ang anumang imbestigasyon nang walang bahid ng political interference.

Mabilis namang kinilala ng mga miyembro ng Kamara mula sa iba’t ibang partido ang mga nagawa niya sa lehislatura at ang kahalagahan ng kanyang desisyon, na anila’y nagpapakita na ang tiwala ng publiko ang dapat laging manguna.

Ipinakita rin ni Romualdez na ang kanyang ginawa ay isang anyo ng paglilingkod at hindi pag-urong.

“Sa huli, ang tiwala ng taumbayan ay mas mahalaga kaysa anumang kapangyarihan. Ito ang aking paninindigan bilang inyong lingkod-bayan,” dagdag pa ni Romualdez.