Martin3

Speaker Martin Romualdez nagbitiw bilang lider ng Kamara

Mar Rodriguez Sep 17, 2025
364 Views

WALA akong kasalanan at wala akong itinatago”.

Ito ang ibinigay na mensahe ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez sa harap ng mga kongresista matapos itong pormal na magbitiw bilang lider ng Kamara de Representantes.

Sinabi ni Speaker Romualdez na bagama’t napakahirap ang kaniyang naging desisyon, napagpasyahan nitong bumababa sa puwesto bilang Speaker ng Kamara de Representantes kasunod ang pagbibigay diin nito na “wala akong kasalanan at wala akong itinatago”.

“Let me be clear: wala akong kasalanan at wala akong itinatago. Ang tanging layunin ko ay maglingkod at magpabuti ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Yet I also know that when questions arise, it is the people’s trust that must always come first,” anang House Speaker.

Paglilinaw ni Romualdez na ang kaniyang tanging layunin ay ang maglingkod at mapabuti ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

Ipinahayag pa ng House Speaker na masakit man para sa kaniya ang pagbaba sa puwesto. Subalit kailangan nitong magsakripisyo upang bigyang daan ang isasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para magkaroon ng laya ang nasabing investigating body na magawa ang kanilang tungkulin.

“Masakit man sa akin. I am stepping aside so that the independent investigating may proceed freely, without pressure, without influence and without fear. But conscience. Ginawa ko ito dahil naniniwala ako na ang tunay na paglilingkod ay ang pagpapahalaga sa tiwala ng taongbayan higit sa anomang posisyon,” wika ni Speaker Romualdez.