Martin Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez

Romualdez nangakong makipagtulungan sa ICI, tutulong ibunyag ang katotohanan

294 Views

NANGAKO si dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte nitong Martes na makikipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), at sinabing dumalo siya sa komisyon upang makatulong sa paglalantad ng katotohanan sa likod ng mga alegasyon kaugnay ng national budget process.

“I am here to cooperate fully and help uncover the truth. Wala akong itinatago at walang dapat itago,” pahayag ni Romualdez.

Ipinaliwanag niya na bagama’t hindi siya bahagi ng bicameral conference committee na nag-finalize ng badyet, handa siyang ibahagi ang kanyang nalalaman upang makatulong sa paglilinaw ng mga isyung sinusuri.

“While I was not part of the bicameral conference committee, whatever I know, I will share,” sinabi ni Romualdez. “My purpose is to clarify the issues and share whatever information I can that may help the Commission in its work.”

Binigyang-diin ng Leyte House leader na ang kanyang pagdalo ay alinsunod sa matagal na niyang paniniwala sa transparency at pananagutan, at layunin niyang tulungan ang komisyon na matiyak ang paglabas ng katotohanan.

“I have always believed in transparency and accountability, and that’s why I am here today ― to do my part in ensuring that the truth comes out,” ani Romualdez.

Binigyang-diin ni Romualdez na wala siyang pag-aalinlangan sa pagharap sa imbestigasyon, at iginiit na makikipagtulungan siya sa lahat ng paraan upang mapabilis ang proseso.

“I am willing to do anything that will help speed up the investigation, because like every Filipino, I want the truth to be established without delay,” sinabi niya.

Dagdag pa niya, ang kanyang pagharap ay upang igiit ang prinsipyo na ang katotohanan ― hindi pulitika ― ang dapat magtakda ng direksyon ng imbestigasyon.

“At the end of the day, it is evidence ― not political noise or unfounded accusations ― that will reveal what really happened,” wika ni Romualdez. “My presence here reflects my commitment to state the truth and not allow politics to prevail.”

Pagdating niya sa ICI, muling nagpasalamat si Romualdez sa komisyon sa pagbibigay ng pagkakataong makibahagi sa mga proseso nito, at binanggit na layunin niyang magbigay ng personal na pananaw na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

“Nagpapasalamat ako sa ICI para sa imbitasyon. Ngayong araw na ito, I am ready to give my personal knowledge on the budget process,” aniya sa isang ambush interview.

Nilinaw ni Romualdez na bagaman hindi siya miyembro ng bicameral conference committee, handa siyang tumulong sa komisyon upang matukoy ang mga katotohanan at maalis ang mga maling akala.

“I am not a member of the bicameral conference committee. I will share any and all information to help determine the truth and to give all the facts and information,” aniya.

Dagdag pa niya, ang kanyang pakikilahok sa mga pagdinig ay bahagi ng kanyang paninindigan sa pampublikong pananagutan at transparency, at wala siyang pag-aalinlangan sa pagsagot sa mga tanong na may kaugnayan sa imbestigasyon.

“I will be here to help in any way to speed up the resolution of the fact-finding investigation of the ICI,” dagdag pa niya.