Calendar
Alwan Alday mainit para sa Rizal Xentromall Golden Coolers.
San Juan hindi maawat sa MPBL
HINDI maawat ang San Juan Knights.
Sumandal ang San Juan sa mainit na mga
kamay nina Dexter Maiquez at Orlan Wamar upang payukuin ang Davao Occidental Tigers, 95-79, at masungkit ang unang pwesto sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Ynares Center sa Montalban, Rizal.
Nagsanib pwersa sina Maiquez at Wamar upang tiyakin ang kanilang wire-to-wire victory, na nagbigay sa San Juan ng frontrunning record na 21-1 sa round-robin elimination phase ng 30-team, two-division tournament.
Nakalalamang na ngayon ang San Juan sa kapwa playoff qualifiers Nueva Ecija at Abra, na parehong may 20-1 slates.
Nagtala si Maiquez ng 14 points, 10 sa fourth quarter, at 10 rebounds; habang nagdagdag si Wamar ng 12 points, 9 sa fourth period, 8 assists at 3 rebounds para kay San Juan coach Alex Angeles, na pinaglaro ang lahat ng kanyang 15 players sa team.
Nakaruwang nila sina Ron Dennison, na may 11 points at 2 rebounds; at Aldrech Ramos at Nikko Panganiban, na kapwa may tig 8 points.
Bumagsak ang Tigers sa 8-13 record sa kabila ng 24-point, 5-rebound effort ni homegrown star Jansher Salubre at 21-point, 6-assist, 3-steal, 3-rebound output ni Reymart Escobido.
Samantala, pinadapa ng Rizal Xentromall ang Ilagan Isabela, 71-63.
Nagposte ang Golden Coolers ng 54-41 kalamangan sa tulong nina Alwyn Alday, Michael Canete at Samboy De Leon upang umangat sa 14-7.
Nanguna si Alday, na napili ding “Best Player of the Game”, sa kanyang 16 points at 3 rebounds.
Dadayo ang MPBL sa Lucena City Convention Center ngayong weekend, na kung saan maglalaro ang Valenzuela laban sa Caloocan simula 4 p.m., Pampanga at Abra sa 6 p.m., at host Quezon
Province at Basilan sa 8 p.m.

