Lacson1

Sen. Ping tiniyak na imbestigasyon ng BRC susunod sa ebidensiya

231 Views

TINIYAK ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na gaya ng dati, ang mga susunod na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ay susunod lamang sa ebidensya at hindi sa politika.

“Kung saan kami dalhin ng ebidensya, doon kami pupunta,” pahayag ni Lacson sa Kapihan sa Senado. “We go where the evidence leads — no politics, no bias.”

Inaasahang maibabalik si Lacson bilang chairman ng Blue Ribbon Committee, at tiniyak niyang ang mga pagdinig ukol sa mga iregularidad sa mga proyekto ng imprastruktura ay magiging batay sa mga dokumentado at maipatutunayang ebidensya. “Importante kasi puwedeng ma-wrap up lahat ng kailangang malaman patungo sa prosecution at conviction,” aniya.

Binalikan ni Lacson ang mga nakaraang imbestigasyon ng komite na pinangunahan niya. “We never concluded anything without the facts. From Bulacan to Oriental Mindoro, we went where the documents, ledgers, and witnesses led us,” sabi niya.

Pinawi rin ng senador ang mga haka-haka na maaapektuhan ang liderato ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kanyang pagbabalik. “I don’t think so. That much assure naman ako ni SP.

Nakausap na rin niya ang mga kasamahan natin at mukhang okay naman,” ani Lacson.

Nilinaw din niya na ang paghingi niya ng CCTV footage ay para lamang matunton ang nawawalang testigong si “Gutesa.” “It was not my intention to spy… the CCTV review was to find clues on the missing witness,” paliwanag niya.

“Hindi kami narito para magpasikat ,” diin ng senador. “Narito kami para tiyakin na ginagawa ng Senado ang tungkulin nito — ang mag-imbestiga batay sa katotohanan, ebidensya, katotohanan lamang at katapatan sa aming tungkulin”