Tulfo

Sen. Tulfo: Marami pa akong dapat matutunan sa Senado

140 Views

MARAMI pa po akong dapat matutuhan,”

Ito ang mariing pag amin ng baguhang senador na si Raffy Tulfo na nagsabing hindi nakakahiyang aminin ang katotohanan na marami pa siyang dapat pag-aralan at matutuhan bilang bagitong senador.

Sa isang press briefing ay sinabi ng dating broadcaster na pagpapatuloy niya ang gawain na tumulong sa mga naapi at mga nangangailangan para sa katarungan at kabutihan ng maraming Pilipino lalo sa mga bumoto sa kaniya na nagbigay ng kanilang tiwala.

Sa kasalukuyan, inamin ni Tulfo na nag-aaral siya kung paano ang mga dapat gawin sa pagbabalangkas ng mga batas gayundin ng mga trabaho na dapat niyang maintindihan bilang bagitong senador.

“Aminado po tayo na bilang bagito, dapat lamang tayo mag-aral pa at hindi mag marunong. “ani nTulfo.

Si Tulfo na nakilala bilang palaban na TV Host ay nagsabi rin na hindi siya mahihiyang lapitan ang mga beteranong senador upang humingi ng gabay sa senado gayundin ng ilan bagay at panuntunan sa loob ng session hall.

“Walang masamang aminin na marami pa tayong dapat matutuhan at makakatulong ang ilan sa mga turo ng magagaleng natin na beterano,” giit nito.

Sinabi rin niya na dapat lamang aniyang magpakumbaba ang sinuman bagito na tulad niya upang mabigyan sila ng tamang suhestiyon sa mga kilos at gawain na dapat nilang pag-aralan bilang mga senador na halal ng bayan.