Calendar
Sen. Win kinuwestyon COA sa naantalang aksyon sa mga ‘baha’ projects sa Bulacan
KINUWESTYON ni Sen. Sherwin Gatchalian si state auditor Tracy Ann Sunico kung bakit natagalan ang Commission on Audit (COA) sa pag-flag sa umano’y iregular na mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan.
“Why didn’t the resident auditor detect that the evidence of completion for the projects were the same? How come this was not reported and only came out in the privilege speech of Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson?” ani Gatchalian sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes, September 25, 2025.
“The fraud audit is happening only now after two years. With so many projects, why are these not detected right away?” dagdag pa niya.
Ayon kay Sunico, nagkaroon umano ng problema sa dokumentasyon at kapos sa tauhan ang COA. Dalawa lamang umano ang nakatalagang auditor para suriin ang lahat ng proyekto sa Bulacan.
Aniya, umabot sa humigit-kumulang 120 hanggang 140 ang flood control projects noong 2022 at umano’y dumoble pa ito noong 2023 at 2024, bukod pa sa iba pang imprastraktura gaya ng gusali, kalsada, at tulay. Dagdag niya, nagbawas din umano ang Department of Budget and Management (DBM) ng 100 COA personnel na dapat sana’y ide-deploy sa buong bansa.
Tinanggihan ni Gatchalian ang paliwanag at iginiit na dapat natutukoy na agad ang mga kakulangan sa taunang exit conference ng COA.

