Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV

Senado isinusulong reporma sa nutrition policies

287 Views

ISINUSULONG ng Senado ang mga reporma sa mga polisiya sa nutrisyon dahil sa takot ni Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga batang bansot.

Binigyang-diin ni Aquino ang pangangailangang pagtugmain ang mga hakbang sa nutrisyon at edukasyon.

Ang kakulangan sa wastong nutrisyon sa murang edad ay direktang nakaaapekto sa pagpasok sa paaralan, sa pag-unlad ng pag-iisip at sa pangmatagalang pagiging produktibo, ayon sa senador.

Sinabi ni Sen. Aquino na “26.7% of Filipino children under five years old are stunted. This means one in four children will never reach their full potential, and will suffer the effects of undernutrition for the rest of their lives.”

Giit ni Aquino, ang pagresolba sa stunting ay hindi lamang usapin ng kalusugan kundi isang prayoridad din sa larangan ng edukasyon at ekonomiya.

“We have three clear reasons why we are paying close attention to this: to stop and find solutions to stunting, to improve school attendance, and to strengthen the learning capacity of our students,” ani Aquino.

Pinag-aralan din ng komite ang kasalukuyang feeding programs para sa mga batang mag-aaral sa iba’t-ibang panig ng bansa kung saan layunin nilang palawakin pa ang saklaw at epekto ng mga ito sa pamamagitan ng pinag-isang batas.