Sekyu Ang kahalintulad na baril na itinakas ng mga magnanakaw.

Sikyu tinigok ng magnanakaw sa binabantayang Laguna oil mill

Gil Aman Jun 3, 2026
41 Views

SINILOAN, Laguna — Pinatay ng hindi pa kilalang magnanakaw ang security guard at pinagnakawan ang binabantayan nitong Prime Industrial Oil Mill Martes ng umaga sa Brgy. Macatad,Siniloan, Laguna.

Wala ng buhay ng matagpuan ng kaasamahang security guard ang biktima na kinilala na si alyas Daniel.

Hinihinalang hinataw ng matigas na bagay ang ulo ng biktima.

Ayon sa salaysay ng kasamahan, nagtaka ito dahil nakabukas ang mga ilaw sa loob at paligid ng oil mill nang dumating ito dakong 6:03 a.m.

Hinanap nito ang biktima na nakita niyang nakahandusay at wala nang buhay.’

Ang pangyayari ay ipinagbigay alam sa Siniloan police na agad nagsagawa ng imbestigasyon.

Natuklasan ng pulisya na nawawala ang 9 mm service firearm ng biktima. Dinistrungka din ang vault sa loob na naglalaman ng hindi mabatid na cash.

Nagsagawa ng CCTV backtracking operation ang pulisya upang kilalanin ang tumakas na mga suspek at ibang witness na makapagbibigay ng karagdagang impormasyon.