Yosi

Smuggled cigarettes nasamsam sa Laguna

Gil Aman Feb 10, 2026
144 Views

NASAMSAM ang mahigit sa P751,960 na halaga ng smuggled cigarettes ng Biñan at Los Banos police noong Lunes.

Unang nakumpiska ang iba’t-ibang smuggled cigarettes na umaabot sa P36,160 mula sa negosyanteng si alyas Kim ng Brgy. Baybayin, Los Baños ,Laguna.

Haharapin ng naaresto ang kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) at National Internal Revenue Code na “unlawful possession and sale of untaxed tobacco products.”

Samantala, nagkakahalaga ng P715,810 na smuggled cigarettes ang nakumpiska sa Filipina Gift Shop sa P. Paterno St., Brgy. Poblacion, Biñan City Laguna.

Paglabag sa pagbebenta ng items na walang kaukulang tax na tobacco products ang isasampa sa suspek na si alyas Filipina.

Ang kumpiskadong iba’t-ibang brand ng sigarilyo ay nasa pangangalaga na ng BIR Regional Investigation sa San Pablo City, Laguna.