Villanueva

Social pension ng seniors doble na

110 Views

NAGING batas na ang panukala na doblehin ang P500 buwanang social pension na tinatanggap ng mga mahihirap na senior citizens.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva nakatanggap ito ng sulat mula kay Executive Secretary Victor Rodriguez na nagsasabi na nag-lapse into law na noong Hulyo 30 ang panukala.

Sinabi naman ni House Deputy Speaker Ralph Recto na dapat magsama ang Executive at Legislative upang mahanapan ng pondo ang bagong batas.

Ayon kay Recto ngayong taon ay P25 bilyon ang pondo para sa social pension ng senior citizen kaya sa susunod na taon ay nasa P50 bilyon ang kakailanganing pondo ng programa.

Dagdag pa ni Recto dapat ikonsidera sa bibigyan ang mga nag-senior citizen ngayong taon at ang mga matagal ng senior pero hindi nakasali sa programa.