Calendar
Nation
Speaker Dy personal na tinern-ober sa ICI ang mga dokumentong nakalap ng InfraComm
Mar Rodriguez
Sep 25, 2025
356
Views
PERSONAL na itinurn-over o ibinigay ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa Independent Commission for Infrasture (ICI) ang lahat ng mga dokumento mula sa House Infrastructure Committee (InfraComm).
Ang mga nasabing dokumento ay base sa isinagawang imbestigasyon ng InfraComm kaugnay sa kontrobersiyal na flood control projects.
Ayon kay Dy III, inaasahan nito na malaki ang maitutulong ng mga ibinigay niyang dokumento hinggil sa patuloy na imbestigasyon ng ICI tungkol sa naturang usapin.

