Dy4

Speaker Dy, pinasalamatan papaalis na Hungarian ambassador

Mar Rodriguez Jul 29, 2026
113 Views

NAGPASALAMAT si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III kay Hungarian Ambassador Titanilla Tóth sa kanyang mahalagang ambag sa pagpapalalim ng matagal nang pagkakaibigan at pagpapalawak ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Hungary kasabay ng pagtatapos ng kanyang diplomatikong misyon sa bansa.

Sa isinagawang courtesy call, ipinahayag ni Speaker Dy ang kanyang pasasalamat sa tapat at masigasig na paglilingkod ni Ambassador Tóth. Hinangad din niya ang tagumpay ng embahadora sa kanyang mga susunod na tungkulin at nagpahayag ng tiwala na lalo pang lalalim ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at Hungary sa mga darating na taon.

Sinamahan si Ambassador Tóth nina Deputy Head of Mission Gyula Mike at Head of the Commercial Section Vivien Józsa.

Dumalo rin sa courtesy call sina Deputy Speaker at Pangasinan 3rd District Rep. Maria Rachel Arenas, Chairperson ng House Committee on Inter-parliamentary Relations and Diplomacy at Pangasinan 4th District Rep. Ma. Georgina P. de Venecia at House Secretary General Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil.