Calendar
Speaker Romualdez suportado DICT sa 100% Internet connectivity ng mga pampublikong paaralan ngayong taon
NAGPAHAYAG ng buong suporta si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagsisikap ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na makamit ang 100 porsyentong Internet connectivity para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa bago matapos ang 2025.
Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang pagkakaroon ng internet connection ng mga pampublikong paaralan sa pagsasara ng digital gap at makamit ang transpormasyon ng sektor ng edukasyon alinsunod sa vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“This is how our people’s taxes should be used for the benefit of our learners—so that they may become competent, skilled, and competitive, and eventually be gainfully employed in fulfilling livelihoods to help them lift their families out of poverty,” sabi ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
Ginawa niya ang pahayag matapos ihayag ni DICT Secretary Henry Rhoel Aguda na 78 porsyento ng mga pampublikong paaralan ay nakakonekta na sa Internet, ngunit may tinatayang 12,000 pampublikong paaralan, karamihan ay nasa geographically isolated at disadvantaged areas, na wala pang access.
Sa kanyang talumpati sa Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City kamakailan, sinabi ni Aguda na determinado ang pamahalaan na palawakin ang saklaw ng National Fiber Backbone (NFB) project na tinatayang makikinabang ang humigit-kumulang 17 milyong Pilipino.
Binigyang-diin ni Romualdez na lampas sa usaping teknolohiya ang inisyatibang ito, sapagkat bahagi ito ng pangitain ng Pangulo para sa isang digital at inklusibong Pilipinas kung saan ang pagiging konektado ay nagbubukas ng pinto sa dekalidad na edukasyon, mas maayos na serbisyong pampubliko, at mas malawak na oportunidad pang-ekonomiya.
“By connecting all public schools, we are laying the foundation for a more inclusive digital economy. This will empower our students with the tools and skills they need to thrive in a future where technology drives growth and progress,” sabi ni Romualdez.
“Sa ilalim ng digital transformation agenda ni Pangulong Marcos, hindi lamang teknolohiya ang pinapalaganap kundi ang pantay na oportunidad para sa bawat Pilipino—mula sa mga estudyante hanggang sa kanilang mga pamilya,” dagdag pa niya.
Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang kanyang buong suporta sa pangitain ni Pangulong Marcos para sa isang tunay na online at digital na Pilipinas.
Binanggit niya na mismong ang Pangulo, sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, ay naglatag ng mga hakbang ng pamahalaan para palawakin ang Internet access sa pamamagitan ng pagpapalawak ng NFB project, paglalagay ng dagdag na libreng Wi-Fi spots, pamamahagi ng SIM cards na may libreng data sa mga malalayong paaralan, at pagtatayo ng mas marami pang cell sites.
“As we deliberate and craft the proposed ₱6.793 trillion national budget for 2026, we will carefully scrutinize how past funds for Internet connectivity were spent to ensure that relevant government agencies are able to fully utilize their budget to bring Internet access to our countrymen,” aniya.
Sa ilalim ng panukalang pondo ng DICT, ₱5 bilyon ang inilaan para sa pagpapatupad ng Free Public Internet Access Program na nakapagtayo na ng 18,849 sites sa buong bansa. Gagamitin ito para pondohan ang backbone, middle mile, at last mile ICT infrastructure, gayundin ang pagtatayo ng towers, data centers, assets, at iba pa, na kukunin mula sa Spectrum Users Fee na kinokolekta ng National Telecommunications Commission.
Upang higit na mapalakas ang digital transformation sa mga paaralan, inilaan ang P16.5 bilyon para sa Computerization Program ng Department of Education para sa 2026.
“We in the House of Representatives are fully behind the Marcos administration’s goal of a fully online Philippines and the digitalization of our bureaucracy—and this includes encompassing fast Internet access for our students,” diin ni Speaker Romualdez.
Ayon sa Leyte lawmaker isa sa aral mula sa COVID-19 pandemic ay ang kahalagahan ng Internet connectivity na hindi na umano maituturing na luho kundi isang pangunahing pangangailangan upang maisulong ang edukasyon sa lahat ng antas. Hinimok niya ang mga ahensya ng pamahalaan na magsumikap na makahabol sa pagpapabuti ng Internet connectivity sa pamamagitan ng pagpapalawak ng NFB project.
Nanawagan din siya sa mga telecommunications company na ipagpatuloy ang suporta sa mga inisyatiba ng pamahalaan upang mapabuti ang Internet access at mapaabot ito sa mga liblib na lugar.
“While it is the government’s role in laying down the needed infrastructure for faster and expanded Internet connectivity, telcos also have an important role in making their services more competitive,” sabi ni Speaker Romualdez.
Dagdag pa ng lider ng Kamara: “This is the much-needed convergence—not just a whole-of-government approach, but a collaboration with the private sector in improving Internet connectivity for our learners who are also doing their best in their studies so that they can achieve their dreams.”

