Special school building binasbasan sa Limay

Christian Supnad Feb 5, 2026
292 Views

LIMAY, Bataan–Binasbasan na noong Miyerkules ang bagong Special Needs Education (SNED) building ng Limay Elementary School sa bayang ito.

Ito ang kauna-unahang pasilidad sa buong lalawigan na idinisenyo para sa mga special learners.

Ang pagkakaroon ng SNED ay bunga ng bisyon ni dating Mayor Nelson David, na ngayo’y buong pusong naisakatuparan nina Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David at mga konsehal ng bayan.

Sinisiguro rin ng paaralan na sa tulong nina Mayor David, matutupad ang pagkakaroon ng angkop na learning materials at suporta upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang mga special learners.

Ayon kay Vice Mayor David, ang bagong SNED na gusali ay may hydrotherapy area at elevator room upang masiguro ang kaginhawaan ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.

Ang blessing ay pinangunahan  ni Father Edilbert Pomer, habang ang ribbon-cutting naman ay pinangunahan ni Vice Mayor Grace David.

Nagkaroon din ng pagbisita sa modern classroom robotics, ang kauna-unahang pasilidad sa lalawigan na nakatuon sa pagtuturo ng makabagong teknolohiya.

Bagama’t hindi pa ito pormal na binubuksan, layunin nitong ihanda ang mga kabataang Limayeño sa larangan ng kritikal na pag-iisip at teknikal na kasanayan.