arestado Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na naaresto dahil sa qualified at sexual assault sa isang menor-de-edad.

Stepdaughter hinalay, nanghalay laglag sa NBI

Jon-jon Reyes Sep 22, 2025
182 Views

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Sept. 12 ang isang lalaki sa General Santos City dahil sa qualified rape at sexual assault sa kanyang menor-de-edad na stepdaughter.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang biktima ay hinalay umano ng kanyang step father noong Enero 10 sa loob ng kanilang bahay at sa loob ng tricycle noong Enero 11.

Naglabas ang NBI ng arrest warrant galing sa General Santos City Regional Trial Court Branch 11 para sa qualified rape ng minor at sexual assualt laban sa suspek.

Kasalukuyang nakadetine sa Bureau of Jail Management sa General Santos ang suspek, ayon sa NBI.