Stickers

Stickers ng 911 ipinamigay ng hepe ng pulis

308 Views

CAMP BGGEN VICENTE LIM–Isa si Police Brigadier General Jack L. Wanky, Acting Regional Director ng PRO-4A, ang namigay ng 911 stickers katuwang ang Camp Vicente Lim Integrated High School sa pangunguna ni Mildred M. De Leon, ang principal ng paaralan.

Ang mga 911 stickers ay idinikit sa paligid ng paaralan at namahagi ng mga bookmark at customized fan kung saan nakasulat ang 911 emergency hotline.

Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang kamalayan ng mga kabataan sa tamang paggamit ng 911 bilang pambansang emergency hotline.

Hinikayat ng hepe ng pulis ang mga kabataan na maging aktibo at mapagmatyag sa kanilang paligid, lalo na sa pagrereport ng mga krimen at iba pang uri ng emergency.

“Ang 911 hotline ay nagsisilbing tulay upang mapalapit ang inyong kapulisan saan mang panig ng komunidad. I-dial lamang ang 911 at kami ay agad na tutugon sa loob lamang ng limang minuto kami ay laging handang maglingkod, 24/7.

Hindi lamang mga tradisyunal na emergency ang aming inaaksyunan, kundi pati na rin ang mga insidente tulad ng bullying,” sabi ng heneral.

Bilang bahagi ng programa, ipinasubok mismo ni PBGen Wanky sa isang estudyante at ipinakita kung pano gamitin ang 911 hotline upang tiyakin ang pagiging epektibo ng serbisyo.

Napatunayang functional at mabilis ang pagtugon ng 911 system.