Calendar
Kinilala ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno ang suspek sa kidnapping matapos matimbog ng mga pulis ng Manila Police District-Malate Police station 9.
Suspek sa kidnap, gahasa ng ‘bata’ timbog sa Maynila
ARESTADO ng mga pulis ang lalaking suspek sa pangingidnap at nanghalay ng menor-de-edad noong Hunyo 22 sa Adriatico St., Brgy 701, Malate, Manila noong Lunes.
Ang suspek, si alyas Roddick, 39, nahuli bandang alas-12:45 ng tanghali ng mga pulis kasama ang mga brgy opisyal at Brgy. Ex-O na si Ator Ibrahim at Aldrin Dangan.
Nabatid sa imbestigasyon na noong Hunyo 22, 2026 bandang 1:00 ng hapon, naiulat na nawawala ang 4-anyos na babaeng menor de edad na kinilalang si NMR matapos magpaalam sa kanyang mga magulang.
Pagsapit ng madaling araw, nagtungo sa himpilan ng mga pulis ang nagrereklamo na si alyas ER, 26.
Nakita ng mga pulis sa kuha ng CCTV na nilapitan ang biktima ng suspek habang naglalakad sa Adriatico St. Nakita din ang biktima na naglalakad kasama ng suspek patungo sa Taft Avenue Malate.
Dakong alas-11:40 ng gabi, nakatanggap ng impormasyon ang complainant na ang biktima ay matatagpuan sa Brgy. Tambo, Parañaque City.
Sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Leopoldo Cajipe Jr., station commander ng MPD-Malate Police station 9, iniharap kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang suspek.

