Guo

Tansingco naniniwala pagtakas ni Guo maliliwanagan

Jun I Legaspi Sep 8, 2024
50 Views

KUMPIYANSA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na mabibigyang liwanag ang maraming isyu hinggil sa pagtakas ng dismissed na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay sa pagharap ni Guo sa pagdinig at pagsisiyasat kay Guo kung saan mabubunyag ang paraan ng paglisan ng dating Alkalde ng bansa nang iligal.

Samantala, dinipensahan ni Tansingco ang pagtatalaga sa isang opisyal na sinasabing sangkot sa “pastillas” scheme.

Una nang kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros ang pagtatalaga kay Vincent Bryan Allas bilang pinuno ng Border Control and Intelligence Unit (BCIU), kahit nadismis na ito ng Ombudsman noong 2022.

Tiniyak naman ng BI sa publiko na nananatiling nakatuon sila sa transparency at accountability.

Sinabi ni Tansingco na si Allas ay itinalaga kasunod ng masusing pagsusuri matapos na i-dismiss ng Court of Appeals (CA) ang kanyang kaso noong Enero 2024.

Idinagdag ni Tansingco na palagi nilang nire-review ang performance ng mga empleyado, at nagsasagawa ng comprehensive assessment sa lahat ng personnel.

Nilinaw din niya na ang BCIU ay walang kamay sa pagproseso ng imigrasyon sa mga pormal na daungan bagkus nagsasagawa ng intelligence gathering sa mga paliparan.