TGP

TGP party-list nakibahagi sa plenary deliberations

Mar Rodriguez Sep 18, 2026
167 Views

NAKIBAHAGI si House Deputy Majority Leader at TGP Party-list Rep. Bong Joson Teves Jr. sa unang araw ng sponsorship at plenary deliberations ng Kamara de Representantes.

Bahagi ito ng proseso ng Kamara sa masusing pagtalakay at pagsusuri sa mga panukalang batas at iba pang mahahalagang usaping nakaaapekto sa bansa at sa mga Pilipino.

Sinabi ng TGP Party-list na mananatili itong kalahok sa mga talakayan upang makatulong sa paghubog ng mga batas na tutugon sa mga pangangailangan at hinaing ng mamamayan.

Bilang Deputy Majority Leader, nakikibahagi si Teves sa mga deliberasyon at talakayan sa plenaryo bilang bahagi ng kanyang tungkulin sa Kamara.

Layunin ng mga naturang pagtalakay na matiyak na ang mga panukala at programa ng pamahalaan ay masusing nasusuri at naaayon sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.