Tindero

Tindero ng isda inambush sa Las Pinas, buhay nagapos

Edd Reyes Jun 19, 2026
26 Views

TODAS ang 49-anyos na fish vendor ng barilin sa ulo habang nagpaparada ng sasakyan ng pinaniniwalaang hitman na nahuli agad noong Huwebes sa Las Piñas City.

Hindi na umabot ng buhay si alyas Virgilio sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo.

Sa ulat ng tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, inutusan ng biktima ang kanyang kasama na buksan na ang kanilang pwesto ng tindahan ng isda dakong alas-5:00 ng umaga habang ipinaparada ang kanyang kotse sa Platinum Road sa naturan ding lugar.

Hindi pa nakakababa sa kanyang ipinaradang kotse ang biktima ng pagbabarilin siya ng suspek sa ulo na kaagad tumakas patungo sa gawi ng Aguilar Sports Complex.

Nagsagawa naman agad ng backtracking at forward tracking operation sa kuha ng mga CCTV sa lugar ang mga tauhan ni Las Piñas police chief P/Col. Ricky Neron na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas Kenjie, 43, dakong alas-10:00 ng umaga sa Gloria Compound, Brgy. Pilar..

Nakuha sa suspek ang kalibre .45 pistola na may limang bala sa magazine na ginamit niya sa pamamaslang sa biktima.